Trahedya Sa Antique Viral Video CCTV Bus Accident
Trahedya Sa Antique Viral Video CCTV Bus Accident ay isa nang pampublikong talakayan, tingnan ang link sa dulo ng artikulo.
Ang kahulugan ng viral ay isang phenomenon kung saan ang impormasyon, tulad ng isang video, larawan, o piraso ng balita, ay mabilis at malawak na kumakalat sa pamamagitan ng internet, kadalasan sa tulong ng mga social media platform.
Ang terminong viral ay ginagamit upang ilarawan ang isang bagay na nagiging sikat sa pamamagitan ng viral sharing at nakakagawa ng malaking bilang ng mga view, share, at likes sa maikling panahon.
IPINAG-utos na ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz, IIIang pagsuspinde sa operasyon ng 15 units ng Ceres Bus ng Vallacar Transit Incorporated.
“We already issued a 90-day preventive suspension to the entire fleet, meaning to say ‘yung mga bus na nagbabyahe ng rutang ‘yon, there are 15 of them, have already issued a preventive suspension right away,”ayon kay Asec. Teofilo Guadiz, III Chairperson, LTFRB.
Ito ang mga bus unit na may rutang Iloilo City (Molo Terminal)-Caticlan via San Jose, Pandan vice versa.
Kasunod kasi ito ng pagkahulog sa bangin ng isa sa kanilang bus sa bayan ng Hamtic, Antique, hapon ng Martes, Disyembre 5.
Aabot sa higit 15 pasahero ang namatay at higit 10 naman ang nasa ospital na nagtamo ng sugat.
Pinaiimbestigahan na rin ng LTFRB chief ang naturang insidente upang matukoy ang dahilan nito.
Punto ni Guadiz, napakahalaga na matiyak ng bawat kompanya ang roadworthiness ng pampasaherong sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng drayber at pasahero.
Bukod dito, nagsimula na ang LTFRB ng pagsasagawa ng inspeksiyon sa lugar at nakikipag-ugnayan na sa kompanya nang masiguro na mabibigyan ng kompensasyon ang mga biktima.
Sinabi rin ni Guadiz na mayroon nang isang inter-agency team na kinabibilangan ng LTFRB, Land Transportation Office (LTO), at Department of Transportation (DOTr) na namamahala sa imbestigasyon.
Samantala, nangako naman ang kompanya na makikipagtulungan sa LTFRB para sa imbestigasyon.
Nangako rin ito ng tulong-pinansiyal sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.
Gayundin ang mga pasaherong nagpapagaling sa ospital.